Private hospitals, itinangging sila ang dahilan ng naantalang special benefits ng mga healthcare worker

Itinanggi ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc., (PHAPi) na sila ang dahilan ng pagkaantala ng pamamahagi ng special benefits para sa healthcare workers.

Ayon kay PHAPi President Dr. Jose Rene de Grano, dapat sisihin ang bureaucratic system na siyang nasa likod ng delay sa pamimigay ng special risk allowance at hazard pay ng mga medical frontliner.

Aniya, may budget na naka-hold pa sa mga opisina ng Department of Health (DOH) habang ang iba ay pinapadaan pa sa Local Government Units (LGU).


Tinataya aniyang nasa kalahati ng private healthcare workers ang hindi pa nakatatanggap ng benepisyo.

Giit pa ni De Grano, dapat makatanggap ang lahat ng healthcare workers ng benepisyo kahit wala sa COVID-19 wards.

Facebook Comments