Magpapakalat ang Police Regional Office (PRO-2) sa Lambak ng Cagayan ng mga pulis katuwang ang ilang pribadong sektor bilang bahagi ng ‘Oplan Balik-Eswela 2019’ sa darating na Lunes, Hunyo 3, 2019.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/BGen. Jose Mario Espino, Regional Director ng PRO-2, layunin anya nito na matiyak ang seguridad ng mga guro, estudyante, magulang sa pagbabalik eskwela sa buong rehiyon dos.
Magtatayo rin aniya sila ng mga Police Assistance Desks (PADs) sa mga lugar na malapit sa paaralan at mga istratehikong lugar para mas mabilis na makapagresponde at makapagbigay ng police assistance sa mga residente kung sakaling kailanganin ito.
Pinaalalahanan naman ni Espino ang mga magulang na pagtuunan ng pansin ang kanilang mga anak lalo na ang mga bata sa pagpasok sa paaralan.
Samantala, Inaasahan ang dagsa ng libo-libong mag-aaral sa pagbabalik eskwela para sa taong 2019-2020.