Probinsya ng Cagayan, ‘Zero Case’ na sa COVID-19

*Cauayan City, Isabela*- Kinumpirma ng pamunuan ng Cagayan Valley Medical Center na ‘Zero case’ na sa covid-19 ang probinsya ng cagayan matapos magnegatibo ang swab test ng huling pasyente na nasa kanilang pangangalaga.

Ayon kay Medical Center Chief Dr. Glenn Mathew Baggao, isang health worker mula sa Tuguegarao City, Cagayan ang nakarekober na sa nakamamatay na sakit.

Samantala, kinumpirma naman ni Dr. Ildefonso Costales na negatibo ang second swab result ni PH 3987 na isang doctor mula sa Santiago City.


Kaugnay nito, nananatiling positibo naman sa sakit ang dalawa pang health worker mula sa mga bayan ng San Agustin at Cauayan City habang hinihintay pa ang kanilang resulta.

Sa Nueva Vizcaya, positibo pa rin sa sakit si PH 2315 na nananatili sa Regional Trauma Center sa Bayan ng Bayombong.

Facebook Comments