*Cauayan City, Isabela*- Nagpatupad na rin ng temporary lockdown sa ilang alagang baboy at mga frozen meat na papasok sa Probinsya ng Ifugao.
Ayon sa ipinalabas na Executive Order No. 14 ni Governor Jerry Dalipog, ito ay pagbabawal sa pagpasok ng mga karne ng baboy maging mga alagang baboy mula sa labas ng Probinsya upang maiwasan ang pagkakaroon ng African Swine Fever.
Una ng napaulat na apektado na ng ASF ang Cordillera Region partikular ang Probinsya ng Kalinga at Benguet.
Hiniling naman ni Provincial Veterinarian James Gopeng sa publiko na makipagtulungan sa posibleng pagpasok ng mga negosyante sa mga karne ng baboy sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng lockdown.
Sinabi pa ni Gopeng na hindi ito public health threat kundi pagpapaalala lamang na maging maingat sa pagbili ng mga karne ng baboy o tiyakin na may kaukulang permit para makasigurong ligtas ang mga ibinebenta sa mga palengke.
Nananatiling epektibo ang kautusan mula sa Bureau of Animal Industry ng Department of Agriculture hanggang wala pang katiyakan na ligtas ang ilang karne ng baboy sa publiko.