Probinsya ng Isabela, Gagawing Modelo ng D.A!

Cauayan City, Isabela- Dahil sa mabilis na pagtugon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa kahilingan ng Kagawaran ng Pagsasaka (DA) na magnegosyo narin upang matulungan ang mga magsasaka nito ay nakatakdang gawin itong modelo sa ibang mga lugar sa bansa.

Ayon kay Kahilim William Dar sa kanyang pakikipagpulong sa League Of Governors of the Phils. tanging ang lalawigan ng Isabela ang mabilis na gumawa ng hakbang upang matulungan ang mga magsasaka dahil sa pagbagsak ng presyo ng mga produkto ng mga ito, at pagbibigay ng iba pang benepisyo tulad ng libreng SSS, Pag Ibig membership, at Crop Insurance para sa mga small farmers ng probinsya.

Dahil sa naturang mga inisyatibo ng pamahalaang panlalawigan na matulungan ang mga magsasaka nito. Gagawin itong Model for Agri Industrial Development of the Philippine ng Department of Agriculture.


Dahil dito asahan umano ng Isabela na bubuhos ang maraming programa at proyekto mula sa DA upang mas lalo umunlad ang lalawigan at ang mga mamamayan nito sa pamamagitan ng mga gagawin modernisasyon,industrialization,mas marami infrastructure projects,dagdag na mga financial support,at iba pang suporta sa lalawigan.

Dagdag pa ni kalihinSa lalong madaling panahon umano ay magagawa ang mga nabanggit na hakbang upang maiangat ang kabuhayan ng mga magsasaka hindi lang sa lalawigan kundi sa buong bansa upang ihanda ang mga ito sa pandaigdigan kalakalan sa sektor ng Agrikultura.

Samantala,laking pasasalamat naman ng mga opisyal ng lalawigan sa pangunguna ni Gov. Rodolfo Albano III sa mga programang hatid ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa kapakinabangan ng mamamayan nito lalo na ang mga magsasaka.

Facebook Comments