Probinsya ng Kalinga, Naghahanda na sa paparating na ‘Bagyong Sarah’

*Cauayan City, Isabela*- Naghahanda ngayon ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa Probinsya ng Kalinga sa paparating na Bagyong Sarah.

Una rito, nagsagawa ng emergency meeting ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa probinsya para sa mga precautionary measures na kanilang ipapatupad.

Ayon kay PDRRM Officer Jolanta Baac ng Kalinga, wala umanong mga road closure ang kanilang ipinasara sa banta ni Bagyong Ramon dahil panaka nakang pag uulan ngunit malakas na hangin ang kanilang nararamdaman sa buong lalawigan.


Mahigpit naman nilang binabantayan ang posibleng pag apaw ng tubig mula sa Chico River kung sakaling magdulot ng malawakang buhos ng ulan ang paparating na bagyo.

Umaasa naman ang lokal na pamahalaan na hindi makakaapekto sa probinsya ang paparating na bagyong Sarah.

Facebook Comments