Probinsya ng North Cotabato isinailalim sa State of Calamity

Matapos maperwisyo ng baha at kaguluhan isinailalim na sa State of Calamity ang buong lalawigan ng North Cotabato.
Sa impormasyong nakuha ng RMN Cotabato, idiniklara ito kasabay ng isinagawang Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan at base na rin sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa pamamagitan ng Resolution No. 10 series of 2017 mula kay North Cotabato 1st District Board Member.
Kinabibilangan naman ng mga bayan ng Makilala, Pigcawayan, Tulunan, Kabacan, Pikit, Carmen, Alamada, Antipas , Magpet at Kidapawan City ang naapektuhan ng kalamidad.

Tinatayang abot sa 400 milyong pisong halaga ng ari-arian ang napinsala habang nasa 10,000 magsasaka rin ang naapektuhan.
Maliban sa mga paunang ayudang ipinagkaloob ng North Cotabato Government sa mga residente apektado, inaasahang masusundan pa ito sa mga susunod na mga araw . (DENNIS ARCON)
File Pic

Facebook Comments