Probinsya ng Quirino, Nakataas na sa ‘Red Alert’ Status dahil sa Bagyong Ulysses

Cauayan City, Isabela- Itinaas na sa ‘Red Alert’ status ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council ang buong lalawigan ng Quirino dahil sa inaasahang epekto ng Bagyong Ulysses.

Ayon kay Christoffer John Gallo, Radio Operator ng PDRRMO Quirino, nakaalerto na ang lahat ng rescue team sa anim (6) na bayan sa probinsya para sa inaasahang paglikas ng mga residente na makakaranas ng pagbaha.

Aniya, may ilan ding overflow bridges ang hindi na madaanan bunsod ng pag-apaw ng tubig dahil sa walang humpay na pag-uulan.


Bukod dito, nakahanda naman ang mga food item na ipapamahagi sa mga pamilyang apektado ng malawakang pagbaha.

Tiniyak din ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMO) ang kumpletong kagamitan na gagamitin sa paglikas ng mga residente.

Samantala, inilikas na rin ang dalawang pamilya mula sa bayan ng Nagtipunan dahil sa inaasahang pagtaas ng lebel ng tubig sa lugar bunsod ng patuloy na pag-uulan.

Facebook Comments