Cauayan City, Isabela- Nasa kategorya na ng ‘critical epidemic risk’ ang Lalawigan ng Quirino batay na rin sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) 2.
Ito’y matapos makapagtala ng 231 na aktibong kaso ng COVID-19 ang nasabing probinsya.
Sa kabuuang bilang, 3,054 na ang COVID-19 confirmed cases sa Quirino kung saan 2,738 dito ang recovered cases at nananatili naman sa 85 ang COVID related deaths.
Nasa ‘High risk’ naman ang mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya kabilang ang Tuguegarao City, City of Ilagan, at Cauayan City.
Nasa ‘Moderate’ naman ang kategorya ng Santiago City habang nananatiling ‘Minimal’ naman Batanes.
Facebook Comments