Probinsya ng Zamboanga del Norte, bibigyan ng mga programa at proyektong pang-agrikultura ng Department of Agriculture

Zamboanga del Norte – Bubuhos ngayon sa lalawigan ng Zamboanga del Norte ang mga programa at proyektong pang-agrikultura mula sa Department of Agriculture (DA).

Ito ang napag-alaman mula kay Zamboanga del Norte Provincial Administrator Jose Alfonso Bernad matapos ang ginawang Zamboanga del Norte Agricultural Development Planning Workshop sa Cebu Northwinds Hotel, Cebu City na pinangungunahan ng Department of Agriculture sa pangunguna ni DA Secretary Emmanuel Piñol.

Ito’y kaugnay naman sa porgramang Special Area for Agricultural Development (SAAD) ng DA.


Ayon kay Bernad, layunin ng naturang programa na mapababa ang poverty incidence sa lalawigan kung saan kasama ito sa sampung pinaka-mahirap na probinsya sa bansa base narin sa pinakahuling talaan ng Philippine Statistics Authority (PSA)

Ilan lamang sa matatanggap ng lalawigan ay ang 500 units na fishing boats at accessories, farm tractors, planting materials, farm to market roads at patrol boats sa bawat coastal area at marami pang iba na makakatulong sa mga mangingisda at magsasaka sa lalawigan.

Facebook Comments