Problema ng children in conflict with the law – tututukan ng LGU Gensan

Gensan, Philippines – Kinokonsiderang isang “social problem” ang dala ng mga miyembro ng Children in Conflict with the Law (CICL) sa lunsod ng General Santos.

Ito ang dahilan na mas pinaigting pa ng LGU Gensan ang komprehensibo nilang pamamaraan para sa posibling pagbabago sa buhay ng mga Children At Risk (CAR).

Sinabi ni Judith Janiola, head ng City Population Management Office (CPMO) na sa “batang my pangarap loaded” tutukan nila ang pagtuturo ng mabuting asal sa mga nasabing kabataan.


Dagdag pa ni Janiola na makakatulong ang mga programa ng gobyerno ng lunsod para maibalik sa normal ang mga buhay nga mga CICL o mas kilala sa tawag na “batang sukarap.”

Napag-alaman na aabot sa 500 na mga miyembro ng “sukarap” ang sumali sa taunang Gensan Summer Youth Festival na sinimulan nuong nakaraang linggo na naglalayong iiwas ang mga kabataan sa anomang bisyo sa pamamagitan ng sports.
DZXL558

Facebook Comments