Dalawang katao, patay sa magkahiwalay na kaso ng pamamaril sa Iloilo

Iloilo, Philippines -Dalawang katao ang namatay sa magkahiwalay na kaso ng pamamaril sa lalawigan ng Iloilo.

Naganap ang unang pamamaril sa bayan ng Ajuy, Iloilo kung saan nakilala ang biktima na si Jay Barabona, 50 anyos at isang OFW.

Alas 4:30 kahapon ng madaling araw ng tambangan ito ng dalawang suspek sa Barangay Pedada, Ajuy Iloilo at saka pinagbabaril hanggang sa mamatay.


Kaagad namang naaresto ang isa sa mga suspek sa follow up operation ng mga pulis at ito ay kinilalang si Ramonito Dela Vega Jr., 34 anyos, ng naturang lugar.

Habang ang isa pang suspek ay nakatakas at patuloy na pinaghahanap ng mga pulis.

Samantala, isa namang babae ang namatay sa hiwalay na kaso ng pamamaril na naganap naman sa bayan ng San Enrique, Iloilo kung saan ang biktima ay kinilalang si Generosa Alada Francisco, 56 anyos, ng barangay San Antonio ng naturang bayan.

Alas 7:30 ng umaga kahapon ng biglang pagbabarilin ng isang lalaki sa likod ang biktima na naging sanhi ng kamatayan nito.
DZXL558

Facebook Comments