Problema sa baha sa mga lugar na tatamaan ng Bagyong Neneng, pinatutukan ng pangulo sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno

Photo Courtesy: PAGASA DOST

Inutos na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga kaukulang ahensiya ng gobyerno ang posibleng mga pagbaha na idudulot ng Bagyong Neneng.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Pangulong Marcos na nitong nagdaang Bagyong Karding ay nakita nila na ang malawak na pagbaha ang naging problema sa maraming lugar sa Luzon.

Aniya, iba na ang mga bagyo ngayon, dahil sa unang pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ay mahina lamang pero bigla na lamang magpapakita ng biglaang paglakas at pagiging super typhoon sa maikling panahon lamang.


Kaya naman nakabantay silang mabuti ngayon sa galaw ng Bagyong Neneng na mas malakas sa Bagyong Maymay.

Pagbibigay diin pa ng pangulo na importante ang tamang pagtaya ng PAGASA upang mapaghandaan nang maigi ng gobyerno ang posibleng epekto ng bagyo.

Siniguri ng pangulo na sa usapin ng relief goods, mga materyales na kailangan ay naihanda na ng mga ahensiya ng gobyerno.

Facebook Comments