16 katao na pasahero ng lumubog na bangka sa Albay, nasagip ng PCG

Nailigtas ng isang napadaan na passenger vessel ang 16 na pasahero ng lumubog na motorbanca sa karagatang sakop ng Rapu-Rapu, Albay.

Nabatid na nagkaroon ng problema sa makina ang bangka at sinabayan ito ng paghampas ng malalaking alon dulot ng masamang panahon na naging sanhi ng paglubog nito.

Eksato namang nakasalubong ng naturang bangka ang isang passenger vessel na may sakay na ilang uniformed personnel ng Philippine Coast Guard (PCG) na siyang sumagip sa mga pasahero.


Patungo sana ang mga pasahero sa mainland Albay, nang makasagupa ng mga ito ang malalaking alon na humampas sa kanilang sinasakyan.

Dinala na sa Rapu-Rapu Health Center ang mga pasahero para isailalim sa medical examination.

Facebook Comments