Problema sa Bahay Pag-asa, idudulog ni Sen. Sotto kay PRRD

Plano ni Senate President Tito Sotto III na makipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte at kay Budget Secretary Bejamin Diokno, kasama si Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson na siyang Chairman ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs o CPODD.

Sabi ni Sotto, target niyang makausap ang Pangulo bago nito pirmahan ang 2019 budget o General Appropriations Act.

Layunin ni Sotto na idulog kay Pangulong Duterte ang problema o kakulangan ng mga Bahay Pag-asa sa buong bansa kung saan ipapasok ang mga menor-de-edad na makagagawa ng paglabag sa batas.


Nakapaloob sa Juvenile Justice Ang Welfare Act na kailangang magkaroon ng Bahay Pag-asa ang 81 lalawigan at 33 highly urbanized cities pero hanggang ngayon ay 58 pa lang ang naitatayo.

Sinasabing sa 2019 budget ay may nakapaloob din na 1-bilyong piso sa pondo ng Department of Social Welfare and Development o DSWD para sa pagtatayo ng mga bahay pag-asa.

Facebook Comments