Problema sa kaligtasan sa lansangan sa mga batang Filipino, dapat matugunan ng gobyerno

Ginugunita ng Department of Transportation (DOTr) ang National Day of Remembrance for Road Traffic Victims, Survivors and their Families, bilang paalala sa mga responsibilidad sa kalsada sa pagpapanatiling ligtas sa mga lansangan para sa mga bata at sa mga gumagamit nito.

Ayon kay Transportation Usec. Mark Steven Pastor, nilikha ang National Coalition for Child Traffic Injury Prevention na pinamumunuan ng DOTr, concerned government agencies, NGOs, Academe, Private Sector at Civil Society groups upang matiyak na matutugunan ng gobyerno ang problema sa kaligtasan sa kalsada at matiyak na ligtas sa panganib ang lahat ng mga batang Pilipino.

Paliwanag ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romanso Artes, susuportahan ng ahensiya ang mga adbokasiya na magpoprotekta sa mga bata sa kalsada sa buong bansa.


Dagdag pa ni Artes, bahagi ng adbokasiya ng MMDA ay magbibigay aral at suporta sa mga bata para maging ligtas ang kanilang pagtawid sa kalsada.

Base sa inilabas na datos, 12,000 Pinoy ang namamatay sa mga Road Crash kada taon, 1,670 dito ay mga bata.

Binigyang diin pa ni USec. Pastor, na ang mga kabataang ito ay maaring mga susunod na abogado, doktor, senador o posibleng susunod na presidente, kaya’t obligasyon ng mga concerned government agencies at bawat isa na tiyakin ang kaligtasan ng komunidad hindi lamang sa mga bata kundi para sa lahat.

Facebook Comments