Terrence Romeo – talo na, nagmulta pa matapos mambato ng bola sa laro kontra Blackwater

PBA – Doble sakit ng ulo ang nakuha ngayon ni Globalport Batang Pier Guard Terrence Romeo matapos nitong batuhin ng bola si Bill Walker ng Blackwater Elite sa naging laro nila noong linggo sa Ynares Center sa Antipolo City.

Matapos ma-eject sa first half ng laban kung saan natalo sila sa score na 118-107, pinagmumulta ngayon si Terrence ng P20,000.00 dahil sa ginawa nito sa nasabing import.

Dahil naman sa pagkapanalo ng Blackwater, nawalan na ng tsansa ang Globalport na makapasok sa quarterfinals ng PBA Governors’ Cup.


Ito na ang ika-walong beses na hindi nakapasok sa quarterfinals ang nasabing koponan matapos silang sumali noong 2012.

Facebook Comments