Ilulunsad na bukas ng Quezon City government ang bagong City Government-Assisted Registration at Scheduling System para sa mga nais magpaturok ng COVID-19 vaccine.
Ayon sa QC Local Government Unit (LGU), sa ngayon pinaplantsa na ang mga detalye ng alternatibong sistemang ito para sa maayos na operasyon.
Paliwanag ng LGU, habang isinasagawa ng eZConsult ang kanilang system upgrade, ito umano ang isa sa mga dagdag na solusyon para mas maganda ang sistema ng pagbabakuna sa QC.
Matatandaan na madalas nagkakaroon ng problema ang eZConsult website sa pagtanggap ng registration at booking ng mga gustong magpabakuna.
Facebook Comments