Manila, Philippines – Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na matatagalan pa ang problema sa terorismo sa bansa.
Sa ground breaking ceremony ng Scout Ranger Ville sa Camp Tecson, San Miguel, Bulacan, sinabi ng pangulo na hindi basta-basta mauubos ang mga teorista lalo na ang mga isis inspired group.
Aniya, kaya dapat maging maingat ang mga sundalo lalo na sakaling sabay-sabay na umatake ang mga terorista sa mga malalaking lugar sa bansa.
Inamin naman ng pangulo na nakatakdang mag-donate ang Russia ng mga bagong armas sa Armed Forces of the Philippines.
Aminado si Duterte na iniiwasan ng Russian government na isapubliko ang donasyon pero malalaman din naman anya ito ng taumbayan.
Nakatakda anyang dumating sa Oktubre 22 ang mga armas na binubuo ng 5,000 Kalashnikov rifles o A.K. kasama ang ilang milyong bala at 20 military trucks.