Testimonya ni John Paul Solano, isasapubliko

49

Manila, Philippines – Ilalabas ng Senado ang transcript ng kanilang isinagawang executive session kung saan dumalo si John Paul Solano, isa sa mga suspek sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio Castillo III.

Giit ni Senador Juan Miguel Zubiri, ito ay kapag mabigo muli si Solano na magsumite ng kanyang sworn affidavit sa susunod na linggo.

Giit ni Zubiri, nagsinungaling si Solano nang sabihin nito na kanyang isusumite ang kanyang sworn affidavit sa preliminary investigation ng Department of Justice pero hanggang sa ngayong ay wala pa rin.

Una nang pinangalanan ni Solano sa executive session ang anim na indibidwal na umano’y responsable sa pagkamatay ni Atio.

Facebook Comments