Procurement rules sa paglalabas ng pondo para sa Marawi rehabilitation, pinaluluwagan

Umapela si Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman na luwagan ang procurement rules sa pag-re-release ng pondo para sa Marawi rehabilitation.

 

Ayon kay Hataman, dahil sa mahigpit na procurement rules hindi agad nailalabas ang pondo sa mga proyekto lalo na iyong mga pondo sa imprastraktura na malapit nang mag-expire.

 

Dahil dito, humingi na ng saklolo si Hataman sa Duterte administration na huwag hayaang mapaso o mag-expire ang P4 billion na unreleased fund sa Marawi rehab.


 

Pinakikilos din ng kongresista ang task force bangon marawi na humanap ng paraan kung paano maisasalba ang nasabing pondo at magamit sa pagsasaayos ng Marawi.

 

Katwiran ng mambabatas, kung ibabalik ang pondo sa national treasury dahil sa ito hindi magagamit, mistulang pinagkaitan na rin ng hustisya ang mga biktima ng 2017 Marawi siege.

 

Planong maghain ni Hataman ng joint resolution para hilingin na isuspinde ang mahigpit na proseso ng procurement rules sa mga hindi pang nai-re-release na pondo.

Facebook Comments