Nananawagan ang isang vaccine expert na bigyan ng tiyansa ang mga bagong bakuna ngayon laban sa dengue.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Dr. Nina Gloriani na mayroon nang 2nd generation ng bakuna kontra dengue kung saan mas mataas ang proteksyon at may maganda ang safety profile.
May rekomendasyon na rin ang World Health Organization (WHO) na gamitin ito, pero mabagal aniya ang pagsusuri ng Food and Drug Administration (FDA).
Ayon kay Gloriani, kung may hindi magandang karanasan ang bansa sa bakuna laban sa dengue sa mga nagdaang taon, ay magandang klase naman na ang bakuna ngayon.
Kaya panawagan ng eksperto na suriin na ito sa para magamit na ito sa lalong madaling panahon dahil magiging cycle lamang ang mga kaso ng dengue sa bansa.
Sa kasalukuyan ay ginagamit na ng Indonesia, Vietnam, at Thailand ang 2nd generation dengue vaccines habang malapit na rin itong maaprubahan sa Malaysia.