PRODUKSYON NG MGA MAGSASAKA SA SANTO TOMAS, PINATATAG SA PAMAMAHAGI NG KAGAMITAN

Pinatatag ng Pamahalaang Bayan ng Santo Tomas, Pangasinan ang produksyon ng mga lokal na magsasaka matapos ipamahagi ang iba’t ibang kagamitang pansakahan sa 66 magsasaka ng tabako sa bayan.

Batay sa tala, tumanggap ang bawat benepisyaryo ng water pump, urea fertilizer, complete fertilizer, at sprayer na gagamitin sa kanilang mga taniman.

Layunin ng pamamahagi na makatulong sa pang-araw-araw na gawain ng mga magsasaka, mapagaan ang produksyon, at mapanatili ang antas ng ani sa gitna ng patuloy na hamon sa sektor ng agrikultura.

Ipinahayag naman ng lokal na pamahalaan na mahalaga ang papel ng mga magsasaka ng tabako sa kabuhayan ng bayan at sa patuloy na paggalaw ng lokal na ekonomiya.

Facebook Comments