Produksyon ng self-learning modules ng DepEd, pinatitigil ng mga guro

Hinikayat ngayon ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) ang pamunuan ng Department of Education (DepEd), dalawang linggo bago ang itinakdang pagbubukas ng klase sa Oktubre 5, na ipatigil muna ang produksiyon ng modules na gagamitin sa distance learning modality para ngayong school year.

Ayon kay TDC Chairperson Benjo Basas, ang kailangan umanong mapag-aralang mabuti at masuri ay ang praktikalidad ng paggamit ng mga modules bago ituloy ang produksiyon nito.

Paliwanag ni Basas, malinaw na hindi pa umano handa ang DepEd sa pasukan dahil iba ang mga ulat na nakakarating sa kanila kung ang modules umano ang pagbabatayan.


Giit ni Basas, kung hindi pa naman umano napi-print ang modules para sa second quarter, mas mainam aniya na itigil muna ang printing nito.

Kung sakaling matuloy man ang pagbubukas ng klase sa Oktubre 5, maaaring gamitin ang mga available na aklat at mag-imprenta na lamang ng mga kulang.

Facebook Comments