
Tampok ang mga produkto ng grupo ng kababaihan sa Women’s World of Fun at Flea Market na binuksan sa publiko sa Alaminos City bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month.
Makikita sa naturang aktibidad ang mga cluster booth na naglalaman ng sari-saring produkto mula sa women’s sectoral groups at ERPAT.
Sa maikling programa, ipinaabot ng alkalde ang suporta nito sa pamamagitan ng isang konsehal. Nagpasalamat naman ang City Social Welfare and Development Office sa mga asosasyon na nakiisa sa aktibidad.
Nakibahagi rin sa ribbon cutting ang kinatawan ng tanggapan ng bise alkalde at isang opisyal mula sa Department of the Interior and Local Government.
Bukas ang Women’s World of Fun at Flea Market sa People’s Park mula 4:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi hanggang Biyernes. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










