
Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magpapatuloy ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program o AKAP kahit hindi pondohan sa 2026.
Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian, malaki-laki pa ang natitirang budget ng kagawaran para sa programa na marami na ang natulungan.
Nilinaw rin ni Gatchalian na may iba pang pagkukunan ng pondo para sa mga humihingi ng assistance bukod sa AKAP at Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) gaya ng emergency at quick response fund.
Pagtitiyak naman ni Department of Budget and Management (DBM) Sec. Amenah Pangandaman, maaaring i-carry-over sa 2026 ang natitirang pondo ng programa pero depende pa rin sa kongreso kung popondohan ito sa susunod na taon sakaling maubos na.
Kanina nang inikot ng DBM at DSWD ang warehouse ng National Resource Operations Center (NROC) sa Pasay para matiyak na sunod-sunod ang operasyon ng mga relief goods para sa ating mga kababayan.









