Programa ng ECC, Ibinida sa Lungsod ng Cauayan!

Cauayan City, Isabela- Kasalukuyan ang isinasagawang libreng seminar ng ilang mga manggagawa sa Lungsod ng Cauayan sa pangunguna ni Atty. Jonathan Villasotto, ang Deputy Executive Director ng Employees Compensation Commission o ECC.

Dinaluhan rin ito ng ilang bumbero, Pulis, at iba pang mga empleyado.

Layunin ng aktibidad na maipaalam ang programa ng ECC na maaaring maibigay at maitulong sa mga manggagawa ng pribado at pampublikong sektor sakaling sila’y magkasakit, maaksidente o mamatay dahil sa trabaho.


Nilinaw ni Atty. Villasoto, na sakop ng compensation program ay kung work related ang pagkakasakit, pagkaka-aksidente o pagkamatay ng isang empleyado.

Ang ECC ay katuwang ng SSS at GSIS sa pagbibigay ng benepisyo sa mga private at government workers.

Facebook Comments