Programa para sa mga rebel returnees pinalakas ng tesda

Pinalakas ng Technical Education and Skills Development Authority ang pagkakaloob sa skills training provision para sa mga rebel returnees.

Nagsimula na ang TESDA na magpatupad ng mga intervention sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga skills training at national certificates for competencies para sa mga kakayahan na kailangan nila upang simulan ang isang buhay sa labas ng mga armadong komunidad.

Ang mga rebel returnees ay kabilang sa “mga espesyal na kliyente” ng TESDA, kasama ang mga drug surrenderers at indigenous peoples.


Sinabi ni TESDA Secretary Isidro Lapeña, sasanayin ng ahensya ang may 4,800 “special clients” simula sa buwan ng Abril.

Ang mga beneficiaries ay mula sa Kalabugao at Talakag, Bukidnon at mula  Camp Darul Arqam sa Lanao del Sur, gayun din ang ilang tukoy na indigenous peoples sites at MILF/MNLF camps.

Facebook Comments