Inihahanda na ngayon ng local government unit ng Dagupan City ang programang Lusog Isip Caravan kung saan magfofocus sa mas pinalakas na approach pagdating sa usapin ng Mental Health.
Ang naturang caravan ay gaganapin sa Oktubre sa pakikipag-ugnayan ng LGU sa Department of Health Center for Health Development I (DOH-CHD I) at sa local Department of Education.
Sa mas matibay na pagsulong ng ukol sa mental health sa lungsod ay mas makapagbibigay pa ng kaalaman sa mga senior high school students tungkol sa human immunodeficiency virus, teenage pregnancy, oral health, sexual orientation o gender identity or expression (SOGIE) bill at ang maging masamang epekto ng vaping.
Samantala, pinag usapan din sa ginanap na pagpupulong ng LGU ang update sa mga pangunahing programang pangkalusugan sa Lungsod ng Dagupan. |ifmnews
Facebook Comments