PNP PANGASINAN, MULING DINAGDAGAN ANG MGA NAKALATAG NA CHECKPOINTS SA LALAWIGAN KAUGNAY PA RIN SA COC FILING NG COMELEC

Dinagdagan ng pamunuan ng Pangasinan Police Provincial Office ang bilang ng mga checkpoints na nakalatag sa lalawigan.
Ito ay matapos ilunsad ang COMELEC Gun Bun kaugnay pa rin sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa buwan ng Oktubre 2023.
Ayon kay Pangasinan Police Provincial Office Public Information Officer PCapt Renanz sa dating isang daang checkpoints, ngayon ginawa na itong 150 na checkpoints dahil sa COMELEC Gun Ban.

Dagdag pa rito, maliban aniya sa mga checkpoints na ito ay mayroong mga inisyatibong checkpoints at Oplan Sita ang bawat himpilan ng pulisya sa lalawigan.
Sinabi pa nito na magkakaroon pa ng mas maraming checkpoints sa lalawigan habang papalapit ng papalapit ang halalan sa Barangay.
Hinimok naman ng opisyal na maging responsable at makiisa sa isinasagawang seguridad at paghihigpit dahil para rin naman ito sa kapakanan at kapayapaan ng bawat isa. |ifmnews
Facebook Comments