Nagpapatuloy ang isang programang nagbibigay suplay ng kuryente sa mga residente sa bayan ng San Nicolas partikular na sa mga tahanang gumagamit lamang ng kandila o dikaya ay gas lamp upang magkaroon lamang ang mga ito ng ilaw.
Ito ay ang Electrification Program na pinondohan mismo nang lokal na pamahalaan ng San Nicolas na apat na taong nagbibigay serbisyo sa mga residenteng nangangailangan nito at nasa limang daan at tatlumpu na ang nabebenipisyuhan, sa ngayon ay nakapagtala ang naturang programa ng isang daan at dalawampung mga bagong benepisyaryo nito.
Layunin nitong mabigyan ng maginhawang pagaaral ang mga estudyante ng bawat Bahay, at makatulong sa mga magsasakang maisaayos ang kanikanilang ani sa isang lugar at upang masiguro din ang kaligtasan ng bawat isa Lalo na pagsapit Ng Gabi.
Samantala ay panibagong slots ang mag bubukas para sa taong 2024 Electrification Program at hinihikayat Ng lokal na pamahalaan ng bayan na kung sino man Ang nagnanais na mag avail ay bukas Ang opisina ng Alkalde ng bayan upang maisakatuparan na lahat Ng bawat baryo at tahanan sa bayan ng San Nicolas ay mabigyan Ng maliwanag na kapaligiran. |ifmnews
Facebook Comments