Mas pinalalakas ng programang Oplan Balik Tanaw ang libreng healthcare services kung saan isinagawa sa mga komunidad sa Infanta, at posibleng maging halimbawa bilang para sundin ng iba pang mga bayan at lungsod sa Pangasinan kung saan nakita ang pang-matagalang epekto ang naging pagsasagawa nito.
Ang naturang programa ay nag-aalok ng libreng dental checkup at gamot, blood sugar at mga pagsusuri sa blood type, eye check up at comprehensive medical check up.
Ang pagsasagawa ng ganitong klaseng aktibidad ay hindi lamang tumutugon sa mga usaping pangkalusugan ngunit naglalayon din na itaguyod ang pangkalahatang kagalingan.
Dagdag pa sa serbisyong medikal na ito, ang mga kalahok ay magkakaroon ng pribilehiyo na mapakinabangan ang mga libreng serbisyo sa pharmacy na tinitiyak ang access sa mga kinakailangang gamot. |ifmnews
Facebook Comments