Thursday, March 5, 2026

PROGRAMANG PUROKALUSUGAN, PINAGHAHANDAAN NANG IPATUPAD SA MANAOAG

Pinaghahandaan na ang pagpapatupad ng programang PuroKalusugan sa mga barangay sa Manaoag matapos ang ganap na paglulunsad nito sa Brgy. Nalsian noong Pebrero.

Layunin nitong direktang maihatid sa mga lokalidad ang mas pinalawak na serbisyo medikal tulad ng mental health consultation, family planning services, maternal and child care, laboratory services, dental check-up at iba pa.

Kaugnay nito, sumailalim sa pagsasanay ang mga Barangay Health Workers sa bayan bilang gabay sa tamang proseso ng konsultasyon habang pinananatili ang ugnayan sa mga pasyente, at maging maasahang kaagapay tuwing implementasyon ng programa sa mga nasasakupang lugar.

Inaasahang dadalhin din sa bawat barangay ang mga assistance desk at services ng iba’t-ibang sangay ng gobyerno kasabay ng programa.

Patuloy na pinaiigting sa paglalaan ng kaukulang suporta at programa ang mga frontline health workers sa Manaoag. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments