Project Home eSKwelantine ng isang SK, Ikinatuwa ng mga Bata

Cauayan City, Isabela- Aabot sa mahigit 60 na mga bata ang nabenepisyuhan ng inilunsad na Home eSKwelantine “Aral at Talinong Handog ng SK sa mga Batang edad 4 hanggang 6 na taong gulang at Batang Pantawid” sa Brgy. Sta. Catalina, City of Ilagan.

Ayon kay SK Chairman Melvin Adurable, batid nito na ang mga nasabing edad ng bata ay nahuhumaling na sa paggamit ng gadget kaya’t naisipan nitong ilunsad ang proyekto na magbibigay ng bagong pagtutuunan ng pansin at magkaroon ng matibay na koneksyon sa kanilang mga magulang.

Aniya, simpleng handog subalit malaking dulot para sa mga bata na matuto pa rin sa kabila ng nararanasang krisis dulot ng pandemya.


Ayon pa sa kanya, sa kabila ng nabigyan siya ng oportunidad  kaya’t hindi niya ito sasayangin para makatulong sa kanyang kapwa mga kabataan.

Hindi rin aniya maisasakatuparan ang ilang mga proyekto nito kung hindi dahil sa ibinigay na pagtitiwala sa kanya ng ilang humahanga sa kanyang kakayahan gaya ng mga OFW na itinuturing na bayani ng bayan at ilan pang konsehal ng lungsod tulad na lamang ni Sangguniang Panlungsod Margarette Chin.

Simpleng lang aniya ang kanyang pangarap at ito ay ang magkaroon ng maayos na kinabukasan ang mga bata at mabigyan sila ng sapat na atensyon.

Si Melvin Pacursa Adurable ay nagtapos ng kursong Bachelor of Secondary Education major in Mathematics sa Isabela State University at kanya ring naipasa ang katatapos na Licensure Examination for Teachers (LET).



Facebook Comments