PROJECTH2O, IPINASAKAMAY NG PNP ISABELA SA CITY OF ILAGAN

Cauayan City, Isabela- Matagumpay na ipinasakamay ng 1st Isabela Provincial Mobile Force Company ng IPPO ang kanilang proyekto na magsisilbing pagkukunan ng maiinom ng mga mamamayan ng Sitio Coop sa Brgy. Villa Imelda, City of Ilagan, Isabela.

Ang Project H20 o ang “Handog ay Patubig para sa inyO” ng PNP Isabela ay pakikinabangan rin ng mga nakatira sa karatig na lugar.

Una rito, nagkaroon ng operasyon ang kapulisan sa naturang lugar na kung saan ay nakita ang ilang mga residente na kumukuha ng tubig sa isang creek kung kaya’y naisipan ng kapulisan na humanap ng solusyon sa pakikipag-ugnayan na rin sa mga barangay officials.

Tumulong din sa itinayong water system facility ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Ilagan at iba pang mga ahensya ng gobyerno.

Samantala, bukod sa isinagawang turn-over ceremony ay namahagai rin ang kapulisan ng mga damit, tsinelas, assorted vegetable seeds at libreng gupit sa ilalim pa rin ng Project H.E.A.L at Project C.H.I.C.K.E.N na tinanggap ng 160 na katao.

Facebook Comments