DPWH, magsasagawa ng road reblocking sa ilang kalsada sa EDSA ngayong weekend

71

Magsasagawa ng road reblocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang kalsada sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) ngayong weekend.

Ayon sa DPWH, dalawang road section sa EDSA, Quezon City ang pansamantalang isasara simula mamayang alas-onse ng gabi dahil aayusin ang intermittent sections mula Boni Serrano hanggang P. Tuazon sa tabi ng sidewalk at service road, gayundin ang intermittent sections mula sa P. Tuazon hanggang Cubao Farmers main road sa tabi ng street railings at service road.

Muling bubuksan sa mga motorista ang apektadong road lanes bandang ala-singko ng madaling-araw sa Lunes, February 21.


Pinapayuhan naman ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta.

Facebook Comments