Proklamasyon ng mga nanalong senador at party-list groups, inaasahang mangyayari ngayong linggo

Asahan nang maipo-proklama ngayong linggo ang mga bagong senador at partylist representative.

Ayon kay Comelec Director for Education and Information Division Atty. Frances Arabe, nasa 161 Certificate of Canvass (COC) na ang kanilang na-canvass at hinihintay na lang nila ang anim na COC na ma-transmit.

Ito ay mula sa Isabela Province, Zamboanga del Sur, Washington DC sa Amerika, Japan, Saudi Arabia at Nigeria.


Facebook Comments