Manila, Philippines – Nababahala na ngayon ang grupong Bantay Bigas sa patuloy sa paglagapak ng presyo ng palay.
Ito ay dahil sa patuloy na epekto ng rice tariffication law na unti-unti ng pumapatay sa hanapbuhay ng mga magsasaka.
Sa ngayon 7 pesos hanggang 10 pesos na lang umano nabebenta ang mga palay dahil sa pagbaha ng imported na bigas.
Ayon kay Cathy Estavillo, tagapagsalita ng Bantay Bigas – dapat singilin kung siniman ang promotor ng rice tariffication law.
Sa ngayon kasi binabarat ng mga negosyante ang palay ng pagsasaka dahil sa dami umano ng supply.
Pero kung mag-iikot sa merkado makikitang napakamahal na ng presyo ng bigas.
Facebook Comments