Proposed 2021 national budget, inendorso na sa plenaryo ng Senado

Inendorso na ni Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara sa plenaryo ng Senado ang panukalang pambansang budget sa 2021 na nagkakahalaga ng ₱4.5 trillion.

Binanggit ni Angara sa kanyang sponsorship speech na nakapaloob sa 2021 budget ang ₱18 billion na pambili ng COVID-19 vaccine, gayundin ang ₱16.6 billion para sa Human Resources for Health Programs ng Department of Health at ₱71.4 billion na subsidiya sa PhilHealth.

Tuloy rin ang budget para sa Build Build Build Program ng Duterte administration at sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).


Ayon kay Angara, itinaas nila sa ₱27.25 billion ang dating ₱22.8 billion na calamity at quick response fund.

Hindi naman nagalaw ang ₱19 billion na anti-insurgency fund sa kabila ng mga mungkahi na idagdag ito sa calamity fund.

Itinaas naman sa ₱5,000 ang kasalukuyang ₱3,500 na teaching supplies allowance ng pampublikong mga guro.

Diin ni Angara, ang 2021 budget ay para sa muling pag-bangon ng ating bansa mula sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments