PROPOSED LOCATION PARA SA ITATAYONG COMMUNICATIONS TOWER SA INFANTA, NAGKAROON NG JOINT INSPECTION

Isang joint inspection ang isinagawa ng ilang kawani ng lokal na pamahalaan ng Infanta kasama ang ilang representatives mula sa Quezelco II, Municipal Engineering Office, Mayor’s Office – Information Section at Ectopian Arch. Firm sa lugar kung saan ipapatayo ang Radio Communications Tower sa Emergency Operations Center (EOC)
.
Ang ipapatayong Radio Communications Tower at magsisilbing Frequency Booster para maabot ang thirty-six (36) na barangay sa bayan ng Infanta sa panahon ng kalamidad.

Makatutulong din ito sa para malinaw na masagap ang mga dumadating na komunikasyon mula sa lokal na pamahalaan ng Infanta.
Ang bayan ng Infanta ay may mga bahagi pa sa kanila ang wala pang signal ng telepono o mobile kaya isa ang two-way radio sa mga pamamaraan para madaling makapagresponde ang mga rescue teams sa mga lugar kung saan may sakuna o sa iba pang pangangailangang medikal.
Facebook Comments