1.4 MILYONG ELECTRIC BILL NG ISANG CONSUMER SA PANGASINAN, ISANG PAGKAKAMALI AYON SA CENPELCO

32
Inihayag ng Central Pangasinan Electric Cooperative (CENPELCO) na isang pagkakamali ang 1. 4 milyong piso na electric bill ng isang consumer sa Aguilar, Pangasinan.
Matatandaan na inupload ng isang Menchie Marayag Antonio sa Facebook ang kaniyang electric bill na nagkakahalaga ng 1. 4 milyong piso. Tila umano ang buong bayan ng Aguilar ang nakakabit sa kanilang metro.
Paliwanag ng CENPELCO, nagkamali ang kanilang reader sa pagbasa ng metro. Iginiit na isolated at human error lamang ang nangyari.

Humingi ng paumanhin ang CENPELCO sa pamilya at na-adjust na sa P1,334.43 ang kanilang electric bill.
Makakaasa umano ang mga consumer na maiiwasan ang mga ganitong insidente sa hinaharap.
Facebook Comments