Inrekomenda ni Associate Provincial Prosecutor Cristina Lenon ng Tarlac City ang pagsampa ng kasong paglabag sa R. A. 9262 o Violation Against Women and Children laban sa beteranong mamahahayag na si Raffy Tulfo .
May kaugnayan ito reklamo ni Julieta Nacpil Licup, una at lehitimong asawa ni Tulfo dahil umano sa hindi niya pagbibigay suporta sa kanyang anak.
Ito ang nilalaman ng resolusyon ng Prosecutor’s Office at ipinamahagi sa mga mamahayag sa isang pressconference sa Quezon City.
Ayon pa kay Julieta na nakita umano niya sa Facebook post ni Tulfo na maganda ang pamumuhay nito kasama ang kinakasama nito sa ngayon na ibang babae.
Samantalang siya at ang kanyanganak ay naghihikahos maisalba lang ang pang-araw araw na pamumuhay.
Sinabi ni Julieta na nauna na siyang nagpadala ng demand letter kay Tulfo para umano pagusapan ang para sa kabutihan ng kanilang anak.
Gayunman, tinawag pa umano siyang nageextort na nagging isang malaking kahihiyan sa kanyang pagkatao.
Base sa record sinusugan ni Provincial Aladin C. Bermudez Jr, Provincial prosecutor ng Tarlac City at sinabi sa resolusyon na mayroon ngang abandonemen t at failure to provide financial support si Tulfo para sa kanyang asawa na si Julieta at anak nito.