Proseso ng pag-alis ng bansa ng mga OFWs sa mga paliparan, pinabilis!

Mas mabilis na ang pag-alis ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa bansa papuntang ibang bansa.

Ito ay matapos na ipinag-utos ni Bureau of Immigration Port Operations Division Chief Grifton Medina sa mga personnel ng BI na siguruhing mabibigyan ng prayoridad ang mga OFWs na nasa immigration departure areas para sa pagproseso ng kanilang mga dokumento.

Ang Memorandum Order ay kasunod ng direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte kay bi Commissioner Jaime Morente na kailangang mabilis at mahusay ang immigration departure formalities para sa mga OFWs.


Isang special team ng immigration officers din ang bubuuin para magsasagawa ng pre-screening ng mga OFWs at mag-a-assist sa immigration needs ng mga ito sa airport.

Facebook Comments