Proseso ng pagpapalaya kay Pemberton, matatapos ngayong weekend

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na matatapos ngayong weekend ang buong proseso ng pagpapalaya at deportation kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Gayunman, sinabi ni Sec. Guevarra na ang actual exit ni Pemberton ay magiging depende sa kaniyang flight arrangements dahil ito ay isang US military personnel.

Una nang kinumpirma ng Bureau of Corrections (BuCor) na natanggap na nila mula sa Department of Justice (DOJ) ang kopya ng absolute pardon na iginawad ng Pangulong Rodrigo Duterte kay Pemberton at sinimulan na nila ang proseso ng pagpapalaya sa Amerikanong sundalo.


Habang naka-abang na rin ang Bureau of Immigration (BI) sa pag-turn over sa kanila ng BuCor sa kustodiya ni Pemberton para maipatupad na ang deportation order at maiproseso na ang pag-alis nito sa bansa.

Facebook Comments