Target ng Bureau of Corrections (BuCor) na mapalaya ang 500 hanggang 700 Persons Deprived of Liberty (PDLs) hanggang katapusan ng taon.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni BuCor OIC Gregorio Catapang na nagdo-double time na sila ngayon upang mapabilis ang trabaho.
Sinabi nito na ang documentation ang nagpapabagal sa proseso, ngunit kailangan ito sa pagtukoy kung eligible ang PDLs na mabigyan ng parole o executive clemency.
Sinabi ng opisyal, lahat ng matatandang pasok sa criteria ay gusto nilang maisama sa rekomendasyon batay na rin sa utos ni Department of Justice (DOJ) Sec. Boying Remulla.
Ang hakbang na ito ng gobyerno ay para mapaluwag rin ang New Bilibid Prison (NBP).
Facebook Comments