Pagdaraos ng Christmas party sa mga paaralan, pinayagan na ng DepEd

Pinayagan na ng Department of Education (DepEd) ang pagdaraos ng mga Christmas party sa mga paaralan.

Ayon sa DepEd, inihahanda na nila ang mga panuntunan para rito bilang bahagi ng safety protocols laban sa COVID-19.

Naglatag na rin ng protocols ang ilang paaralan alinsunod sa mga paalala ng Department of Health (DOH) hinggil sa mga party ngayong kapaskuhan.


Wala namang tumutol na mga magulang dito dahil nais din aniya nilang bigyan ng kasiyahan ang kanilang mga anak matapos ang dalawang taong distance learning.

Facebook Comments