Proseso sa pagbibigay ng special permit sa mga PUV na bibiyahe ngayong semana santa – sinimulan na ng LTFRB

Manila, Philippines – Dalawang linggo bago ang semana santa, inumpisahan na ng Land Transportation Francising and Regulatory Board ang pagproseso sa pagbibigay ng special permit sa mga public utility vehicles.
 
Kasabay na rin ito ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero na magsisi-uwian sa kani-kanilang probinsya upang doon gunitain ang semana santa.
 
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra – sa ngayon ay nasa 1,600 na bus units na ang nabigyan ng special permit at marami pang pino-proseso.
 
Kasabay nito, nagpaalala ang opisyal sa mga bus operator na kumuha na ng special permit habang maaga pa dahil hindi sila magbibigay ng extension sa itinakdang deadline.


Facebook Comments