Proteksyon sa mga mamamahayag, hiniling ngayong pagdiriwang ng World Press Freedom Day

Umaapela si Deputy Speaker Loren Legarda na palakasin pa ang proteksyon at suporta sa mga mamamahayag sa bansa.

Ngayong ipinagdiriwang ang World Press Freedom Day, nanawagan si Legarda na maging ganap na batas na ang House Bill 8140 o Media Workers’ Welfare Act.

Sa ilalim ng panukala ay magkakaroon ng komprehensibong benefits package para sa mga mamamahayag, kasama na ang pagbibigay ng angkop na sweldo depende sa tagal at sa posisyon, regularisasyon sa trabaho, hazard pay, overtime pay, insurance at iba pang benepisyo.


Paalala ni Legarda, malaki ang papel ng mga mamamahayag gaya ngayong may COVID-19 pandemic, kaya kailangang tumbasan din ang kanilang kontribusyon sa lipunan.

Gayunman, sa kabila ng tagal sa trabaho ng mga mamamahayag ay marami pa rin ang nahaharap sa samu’t saring mga hamon.

Kabilang aniya sa mga ito ang kawalan ng “security of tenure” at hindi nakatatanggap ng sapat na sweldo at iba pang mga benepisyo, partikular na ang mga maliliit na istasyon sa mga lalawigan, freelancers at yung mga “under project employment contracts.”

Facebook Comments