Provincial Government ng Batanes, All-Set na sa Muling Pagbubukas ng Turismo

Cauayan City, Isabela- Naghahanda na ang Provincial Government ng Batanes para sa napipintong muling pagbubukas ng turismo sa lalawigan.

Ito ay makaraang ipag-utos ni Governor Marilou Cayco sa mga miyembro ng Technical Working Group (TWG) na gumawa ng polisiya at guidelines para mga bibisitang turista.

Una nang sinimulan ang unti-unting pagbalangkas ng mga plano para sa re-opening ng turismo ng probinsya at hihintayin na aprubahan ng Provincial IATF.

Ayon sa mga awtoridad, masusi nilang pag-aaralan ang mga nararapat na guidelines upang matiyak pa rin na hindi malalagay sa anumang sitwasyon ang publiko lalo na sa usaping pangkalusugan kasama na ang pagsisigurong mababakunahan ang lahat ng eligible population.

Bagamat pansamantalang isinara ang mga sikat na tourist destination sa lalawigan ay hindi naman tumigil ang pamahalaan sa pagsasaayos ng mga tourist sites at iba pang mga improvements continuous capacity development trainings and initiatives sa lahat ng tourism stakeholders.

Samantala, tiniyak ng Provincial Government na magtutuloy-tuloy ang pagtugon sa mga pangangailangan ng displaced workers at apektadong mga negosyo gaya ng pagbibigay ng pansamantalang trabaho at iba pang kabuhayan.

Binigyang diin ni Cayco na mahigpit na susundin ang pagpapatupad sa DOT guidelines at mga health protocols.

Facebook Comments