AFP, nakakuha ng pinakamataas na trust at approval rating sa Publicus Asia survey

191
Photo Courtesy: Publicus Asia, Inc.

Ipinagpasalamat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang patuloy na pagtitiwala ng mga Pilipino.

Ito ay matapos na makamit ng AFP ang pinakamataas na trust at approval rating sa 2022 Pahayag First Quarter Survey by Publicus Asia.

Batay sa survey ng 1,500 respondents, nakamit ng AFP ang approval rating na 67.4% at trust rating na 53.4%, na pinakamataas sa lahat ng ahensya ng gobyerno.


Ayon kay AFP Spokesperson Col. Ramon Zagala, ang resulta ng survey ay nagpapakita ng mataas na pagtitiwala ng mamayan dahil sa pagsisikap ng AFP na pangalagaan ang seguridad at kapayapaan ng bansa.

Siniguro ni Zagala na susuklian ng AFP ang pagtitiwala ng mga mamayan sa pamamagitan ng dedikasyon sa kanilang mandato na protektahan ang mga mamayan at ipagtanggol ang estado.

Facebook Comments